Wednesday, October 3, 2012

Sa Classroom


Oktubre 04 1999

Araw-araw, sa eskuwela, sa classroom, puro panlalait ang naririnig ko tungkol sa kung ano ako, puro pagdududa, puro gawa-gawang kwento tungkol sa akin. Nakakapikon pero wala akong magawa kundi ang tiisin iyon.

Minsan naitanong ko sa sarili ko, hanggang kailan ako magtatago? Hanggang kailan nila pag-uusapan ang lihim sa aking pagkatao? Dumadating minsan sa buhay kong, nakakasawa na!

Isa akong tipikal na estudyante sa isang maliit na private skul sa aming lugar. Hindi ako kilala o siguro'y tamang sabihin na kilala nga lang nila ako dahil gusto lang nila akong pagusapan at pagdudahan. Hindi ko rin naman kilala ang lahat sa campus, ang mga kaklase ko, kung sino sila at kung ano ang buhay nila. Kahit pa nga sa liit nito'y hindi ko magawa nang makipagkaibigan dahil wala naman akong kayang ipagmalaki at isa pa, hindi nila ako gusto.

Oo, wala akong ipagmamalaki. Hindi ako matalino. Mahina ang ulo ko. At wirdo nga para sa lahat ng tao ang kung ano ako at sino nga ako.

Ano pa bang aasahan ng isang transferee na tulad ko sa isang skul gaya nito kundi ang hilingin na lang na sana'y wag akong pag-initan.

Pero sa kasamaang palad, may mga hiling tayo sa buhay nating tila hindi talaga natutupad. May rason para roon pero kung ano man iyon, wala akong magagawa kundi tanggapin na hindi pabor sa akin ang pagkakataon.

Oktubre 10, 1999

Si Bruce, ang kilalang basagulero sa campus. Makailang ulit niya akong napagtripan para pagtawanan ng lahat. Ganun siya! Demonyo! Mayabang! Sana maglaho ka na Bruce sa mundong ito! Tang-ina mo!

Oktubre 11,1999

Maraming beses ko nang iniwasan si Bruce pero sa tuwing gagawin ko iyon ay para itong demonyong magpapakita sa akin para asarin na naman ako. Ang bully niya! Project, assignment! Lahat na ako ang pinagagawa niya. Ang sama niyang tao. Hindi ko na kayang tiisin lahat ng 'to.

Oktubre 20,1999

Minsan sinubukan kong maghiganti kay Bruce. Nagkaroon kami ng isang skul project sa Math. Sa akin niya pinabili ang mga materyales. Tinakot niya akong kung hindi ko gagawin iyon ay ipabubugbog niya ako sa mga barkada niyang sanggano.

Hanggang kailan ako matatakot? Hanggang kailan ako magpapa-api kay Bruce?

Hanggang kailan ko titiisin ang mga pambu-bully mo.

Hindi na...kahit kailan!

Oktubre 25, 1999

Deadline ng skul project sa Math at walang naipasa si Bruce. Galit na galit sa akin ang walang-hiya. Inasahan ko na iyon ang magiging reaksyon niya.

Oktubre 27,1999

Alas-syete ng gabi. Hinarang ako ng mga barkada ni Bruce. Nanlaban ako'nung una pero anong magagawa ko sa dami nila.

Bugbog ang katawan ko. Hindi mabilang ang pasa. Agos ang dugo sa iba't ibang parte ng katawan ko. Hinang-hina ako at ramdam kong gusto ko na lang mamatay habang nakahandusay ako sa kung saan malayo pa aming bahay.

Nawalan ako ng malay.

Hanggang sa magising akong ang katabi ko sa kama ay si Bruce! Hindi ko alam kung nasaan ako, ang alam ko lang ay kasama ko ang taong kinamumuhian ko.

Yakap ni Bruce ang hubad kong katawan. Amoy ko ang alak sa kanyang hininga. Ramdam ko ang init ng kanyang matipunong katawan.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero alam kong wala akong galit na naramdaman. Ang gabing iyon ang lumimot sa lahat ng galit ko sa kanya.

Aaminin ko wala akong naramdaman habang yakap siya kundi libog.

Hanggang sa 'di ko napigilan ang sarili kong gumanti ng yakap sa kanya. Sarap na sarap akong humalik sa kanyang malambot at mapulang labi. Nakakalibog ng husto ang amoy ng alak sa kanyang bibig. Segundo pa'y ramdam kong gumanti ng halik si Bruce. Ang sarap.

Dahan-dahan. Halikan na para pang binura 'nun ang lahat ng galit ko sa kanya. Ang sarap niyang humalik ang nagpadama sa aking may buti rin sa kanyang puso.

Lasing lang ba si Bruce? O gusto niya rin ako? Wala akong pakialam basta't ang alam ko gusto ko na siya! Gustong-gusto!

Ipinaramdam ko kay Bruce ang labis na pagkagusto kong mapaligaya siya. Sa kabila ng hapdi at kirot ng mga sugat at pasa ko sa aking katawan ay ipinalasap ko sa kanya ang romansang ngayon ko lang naranasan.

"Sarap. Ahhhhhhhhh...." dinig ko pa rin hanggang ngayon habang sinusulat ko ito sa aking talaarawan ang kanyang masasarap na pag-ungol. Paulit-ulit pa rin sa aking isip kung paanong maraming beses kong isinubo ng buong ligalig ang kanyang matigas at mahabang titi.

Tang'na! Taas-baba. Walang pagod kong tsinupa si Bruce. Sarap na sarap ako sa malaki niyang titi.

Ginalingan ko at ramdam kong gustong-gusto niya ang ginawa ko.

"Sige pa. Galing mo... Ahhhh...."

Paulit-ulit pa rin sa aking pantasya ang nangyari sa amin ni Bruce. Pati ang dami ng putok ng tamod niya sa bibig ko ay para akong ewan na nilalasap pa rin ito hanggang ngayon.

Ang gabing iyon ay natapos at sa paggising ko kinaumagahan ay wala siya sa aking tabi. Sa paglabas ko ng kwarto ay doon ko lang napansin na isa pala iyong maliit na apartment na parang siya lang ang nakatira. Parang bagong lipat lang sapagkat kakaunti ang gamit sa loob. Sa pagbukas ko ng pinto palabas ay sinigurado kong walang makakakita. Sa isip ko'y baka nabigla lang si Bruce kagabi. Sa pagalis ko sa apartment niya ay walang malinaw na sagot kung gusto niya ba ako o hindi o kung nangyari ba iyon dahil  pinagtripan niya lang ako. Basta't isa lang ang sigurado ko, tumitibok na ang puso ko para sa kanya. 

Oktubre 29, 1999

Araw na naman para harapin ko ang buhay na kinasanayan ko sa skul. Habang nilalakad ko ang daan patungo sa classroom ay si Bruce ang nasa isip ko. Pero hindi na ako inis sa kanya. Gusto ko na siyang makita para muli siyang halikan, yakapin at paligayahin.

Tuwang-tuwa ako na siya ang una kong nakita sa classroom. Wala pa ang ibang kaklase ko. Tulog si Bruce habang nasa upuan.

Isinarado ko ang pinto ng classroom namin. Dahan-dahan...lumapit ako sa kanyang upuan. Malapitan kong pinagmasdan ang kanyang mukha habang siya ay tulog na tulog. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan ang kanyang labi.

Gimbal ako! Ang akala kong tuwa na mararamdaman ni Bruce tulad nung gabing kapiling ko siyang hubad sa isang kwartong hindi ko alam kung paano ako nakarating dun kasama siya... ay hindi iyon! Isinukli niya sa akin ang kanyang bagsik! Malalakas na suntok na halos mawasak ang mukha ko at manghina ang buo kong katawan.

Sinuntok niya ako. Minura. Nilait. Nakita ko na naman ang kanyang pagka-demonyo at higit pa roon!

Higit sa sakit ng katawan na ipinaranas mo sa akin Bruce. Hindi mo alam kung gaano kasakit lahat ng mga sinabi mo sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ibang Bruce ang nakita ko sa'yo? Pero isa lang ang alam ko. Pinaglaruan mo ako. Pinaglaruan mo ang damdamin ko at ang buhay ko.

Paulit-ulit pa rin sa aking isip ang pag-agos ng dugo sa mukha ko. Ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan at ng puso kong bigo dahil sa'yo. Nakatitig ka lang sa akin 'nun habang duguan ang katawan kong nakahandusay sa sahig ng classroom. Hanggang sa pagdating ng mga kaklase natin. Hindi ka pa masaya! Binulgar mo pa sa kanila kung ano ako na parang hindi ka rin ganito! Tang'ina mo!

"Nasa isip ko pa rin kung paanong nandiri sa akin ang lahat! Tang'ina nyong lahat! Tang'ina mo Bruce! Sana masaya ka na sa ginawa mo. Sana masaya na kayong lahat!"

Matapos ang insidente sa classroom ay nilisan ko iyun sa kabila ng hapdi at kirot. Ramdam ko ang mga bulung-bulungan ng ilan tungkol sa akin at sa nagawa ko kay Bruce. Pero hindi na iyon ang mahalaga. Ang importante lang sa akin 'nung mga oras na iyon ay huwag ng makita pa si Bruce.

Lumipas ang ilang sandali'y narating ko ang lugar na kung saan ako binugbog ng mga barkada ni Bruce.

Huminto sa harapan ko ang isang lalakeng naka-motor habang iika-ika ako sa paglalakad.

Napasulyap ako sa kanya at laking gulat ko sa nakita. Ang tanga kong kung bakit hindi ko naisip na ang Bruce na inakala kong minahal ko ay hindi pala siya kundi ang kakambal niya. ~wakas

Pulang Diary 2012 
bromance stories
bawat lihim ay may kwento

sa panulat ni: Taga Imus

Follow my<a href="http://pulangdiary.blogspot.com/"> Pulang Diary blog</a> and subscribe to <a href="http://youtube.com/mayaringpulangdiary">Pulang Diary Video Stories version</a> on my youtube channel.


<photo id="2" />

0 comments:

Post a Comment