Saturday, January 15, 2011

Sa Kabinet Ni Kuya




Alas-dose na ng gabi, pero hindi pa rin ako makatulog. Wala akong nasa isip kundi ang mga nakita ko sa kwarto ni kuya. May para bang demonyong bumubulong sa akin na sige, tumungo ka ngayon sa kwarto ni Kuya Antonio mo, hagilapin mo ang susi ng kanyang kabinet sa patungan ng telepono malapit sa higaan nito. Sige lang, kunin mo ang susi para mabuksan ang kabinet at makita mong muli ang gusto mong makita.

Hanggang sa mapabangon na ako sa aking hinihigaan, hanggang sa maisip ko nang isuot ang aking saplot sa katawan, hanggang sa maramdaman ko na ang sariling para bang sinasaniban ng masamang espiritu na dahan dahan at tahimik na tunguhin ang kwarto ni kuya, dahil 'dun ko makikitang muli ang hinahanap ng aking katawan.

Isa

Dalawa

Tatlo...tatlong hakbang na lang.

Heto na. At hawak hawak ko na ang seraduhan ng pinto. Subalit, mayroon pa rin sa isip ko na nagsasabing huwag kong gawin dahil mapapahamak lamang ako. Ngunit, mas malakas pa rin ang pwersang naghihila sa akin para gawin ang bagay na ito. Sinasabing, tuklasin mong muli kung ano ang nasa kwarto ni Kuya Antonio, hanapin mo ang susi, buksan mo ang kabinet, para makita kong muli, iyong muli. Ang bagay na iyon na makapagbibigay sa iyo ng ligalig.

OO, narito na nga ako sa loob ng kwarto ni Kuya Antonio, at laking gulat kong wala siya ngayong hating gabi. Bukas ang kanyang kwarto. Ewan ko ba't hindi ko na naitanong pa sa aking sarili kung nasaan siya? Basta't ang alam ko, hawak ko na ang susi sa kabinet ni Kuya.

Putang'na! Napamura na lang ako. Dahil wala na sa loob ng kwarto ni Kuya ang hinahanap ko.

Nasaan na ang mga bagay na iyun. Nasaan na. Bigla akong nakaramdam ng inis. Ng panghihinayang na kung bakit kasi hindi ko na lang iyun ninakaw. Tang'na! Putang'ina! Hanggang sa marinig ko ang boses niya. Si Kuya Antonio.

" Tol, ito ba ang hinahanap mo?"

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nakita. O manginginig sa takot. Nahuli niya ako sa kanyang kwarto. Nandito ako sa kanyang kwarto, hawak ang susi, may hinahanap, may nais na makita. May gustong maranasan.

Pero nakangiti lang sa akin si Kuya Antonio. Parang ibang tao ang dahan dahang lumalapit sa akin. Walang saplot sa katawan, ang malaki niyang katawan. Ang masarap niyang katawan. Mulo ulo, hanggang paa, habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na at mahawakan ang noo'y nakikita ko lang sa mga letratong nasa loob ng kabinet ni Kuya.

0 comments:

Post a Comment